
Opisyal nang inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang pagdiriwang ng 2025 National Women’s Month sa pamamagitan ng isang exciting fun run na naglalayong itaguyod ang gender equality at women’s empowerment.
Ginanap ang fun run na inorganisa ng Gender and Development Committee ng BI nitong Marso 8 sa University of Makati Stadium sa Taguig, Manila na dinaluhan ng mga tauhan ng BI upang ipagdiwang ang achievements ng mga kababaihan at itaguyod ang gender equality.
Tampok sa naturang event ang 3k at 5k race categories, na sinimulan sa isang torch relay, na sinundan ng energizing warm-up at tuluyang nag-umpisa dakong alas-6:00 ng umaga.
“With this event, the BI leads by example, underscoring the importance of women’s contributions and the ongoing fight for equality,” saad ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.
Magpapatuloy ang selebrasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad, kabilang ang online film screening na nakatuon sa women’s empowerment, isang Magna Carta seminat, ang paglulunsad ng ‘Hwarang Juana’ upang kilalanin ang empowered women sa BI public service at isang Women’s Bazaaar upang suportahan ang mga negosyanteng kababaihan sa loob ng BI.
Bilang pambungad na kaganapan ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ng BI, ang fun run ay nagbigay-diin sa pagkakaisa at suporta para sa mga karapatan ng kababaihan, nagsisilbing paalala ng patuloy na pagsisikap na kinakailangan upang makamit ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa lahat ng aspeto ng lipunan.
More Stories
HONASAN, BINAY AT DEL ROSARIO NAGSAGAWA NG MOTORCADE SA MAKATI (Muling pinagtibay ang pagkakaisa at suporta)
DOST REGION 1 HANDA NA PARA SA 2025 NSTW
TANIM-BALA BALIK SA NAIA? (Imbestigasyon sinimulan na – NNIC)