
Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na kasama niya ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong para sa isang thanksgiving celebration kasama ang mga Filipino workers.
Isinagawa ang event, na may titulong “Pasasalamat kay PRRD with OFWs,” sa Southorn Stadium sa kahabaan ng Johnson Road sa Wan Chai. Naka-schedule ito mula 9:30 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Una na nang napaulat na nagtungo si dating Pangulong Duterte sa Hong Kong kasabay ng usap-usapan na naglabas na ang International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant laban sa kanya.
Iniimbestigahan ng ICC si Duterte dahil sa umano’y crimes against humanity hinggil sa kanyang madugong giyera kontra illegal na droga, noong kasagsagan niya bilang alkalde ng Davao City at pangulo ng Pilipinas.
Sa gitna ng mga patuloy na tsismis, nagkaroon ng haka-haka na maaaring hindi na bumalik si Duterte sa Pilipinas pagkatapos ng kanyang pakikisalamuha sa Hong Kong at maaaring magtago sa Tsina.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source na matatanggap ng gobyerno ng Pilipinas ang arrest warrant sa Marso 10.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay