
Ikinagalak ni Finance Secretary Ralph Recto ang malaking pagbaba ng inflation sa 2.1% nitong Pebrero 2025 at tinawag itong malaking tagumpay para sa mga pamilyang may mababang sahod sapagkat hatid nito ay kaginhawaan, partikular na sa pagkain.
“This sustained downward trend confirms that our proactive measures to curb inflation are delivering results, especially on helping alleviate the burden on vulnerable sectors. Pero hindi tayo magpapakampante—patuloy nating babantayan ang anumang maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo, lalo na sa pagkain,” saad niya.
Ang inflation rate nitong Pebrero ay ang pinakamababa na naitala mula noong Oktubre 2024. Bilang karagdagan, ang inflation para para sa bottom 30% income group ay lalo pang bumaba sa 1.5% para sa buwang ito, na mas mababa sa headline rate at bumaba mula sa 2.4% noong Enero 2025.
Bumaba rin sa 2.4% noong Pebrero ang core inflation na isang magandang senyales para sa ekonomiya, dahil ito ay nagpapakita na ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin ay hindi tumataas nang mabilis. Ito ay magbibigay-daan para sa mga bangko na magbaba ng interest rates, na magpapababa sa borrowing costs para sa mga konsumer at negosyo.
“This will provide greater purchasing power for our people and stronger momentum for investments and growth,” ayon sa Finance Chief.
Ang mas mababang rate ng headline inflation noong Pebrero ay bunsod ng pagbaba ng mga presyo ng pagkain (2.6% mula sa 4.0%) at non-food items (1.7% mula sa 2.2%).
Ang imported na bigas sa National Capital Region (NCR) ay nagpakita ng average na doble-digit na pagbaba ng 13.7%.
Ang maagap na pagkilos ng gobyerno, kabilang ang pagbaba sa maximum suggested retail price (MSRP) para sa imported na bigas sa PHP 49/kilogram (kg) simula Marso 2025 at ang pagpapatupad ng Anti-Agricultural Economic Sabicide Act, ay epektibong sumuporta sa pag-unlad na ito.
Bumagal din nang husto ang vegetable inflation sa 7.1% myla sa 21.1% noong Enero, na higit pang nagpagaan ng mga pasanin sa pamilyang may mababang kita.
More Stories
Grassroot hanggang Olympics… PSC AT PAI MAGKAAGAPAY
3 kababaihan nilimas ng manyakis na magnanakaw, isa ginahasa pa sa Quezon
POLITIKO, POSTER BAWAL SA ‘AYUDA’ PAYOUTS – DSWD