
PATAY ang isang 32-anyos na mag-uuling matapos dalawang beses na sapakin sa mukha ng kanyang kapitbahay makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Hindi umabot ng buhay sa San Lorenzo Ruiz Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang biktimang si Jimboy Canoy ng Sitio 6, Dumpsite, Barangay Catmon.
Nakapiit naman ngayon sa Malabon City Police Station at mahaharap sa kasong Homicide ang suspek na si alyas “Robert”, 24, charcoal maker at residente din sa nasabing lugar.
Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Sitio 6, Dumpsite makaraang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek na nauwi sa pagsuntukan ng mga ito.
Dalawang beses umanong sinapak ng suspek sa kanan at kaliwang mukha ang biktima na naging dahilan upang bumagsak ito at mawalan ng malay kaya agad siyang isinugod kanyang mga kaanak sa nasabing pagamutan subalit, hindi na umanbot ng buhay.
Nang makarating naman sa kaalaman ng Malabon Police Sub-Station (SS4) ang pangyayari, agad silang nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon