![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2021/06/berdugo-3-1024x443.jpg)
Diyan po sa Tikling sa Taytay, Rizal walang kabog ang perya-sugalan ni aling “Tessie” na talagang dinarayo ng mahihilig sa color games.
Kung inakala po ninyong rides ang dinarayo riyan, ‘e nagkakamali po kayo.
Ang perya ay dinarayo dahil sa kanilang mga kakaibang ‘palaro’ gaya color games na may halong daya.
Hindi natin maintindihan kung bakit tila hindi nababahala ang mga opisyal ng barangay at mismong tanggapan ni Rizal PNP Provincial director P/Col. Felipe Maraggun gayung ilang metro lang ang layo nito mula sa nasabing perya-sugalan ni Aling Tessie. Alam na!
Hihintayin pa ba natin ang Pasko ng Pagkabuhay bago i-dismantle ang perya-sugalan o permanente na ba yan diyan sa Tikling?
Si Aling Tessie po ay ang tinaguriang gambling queen ng Batangas at dumayo pa ng Rizal para maghasik ng kasamaan. Buwahahaha!
Ipinagyayabang pa ni Aling Tessie na kumpare niyang buo si Region 4A Regional Director, PBGen. Kenneth Lucas kaya raw kahit na nasa harap mismo ng tungki ng ilong ni Maraggun ang kanyang illegal na pasugalan ay hindi raw puwedeng salakayin.
Aba, totoo ba itong ipinagmamalaki ni Aling Tessie, mga sir?!
Mayor Allan De Leon, totoo rin ba ang pinagsasabi ni Aling Tessie nakatimbre sa inyo ang perya-sugalan niya kaya raw pa-smile-smile na lang kayo? Aysus!
Paki-verify lang po, Mayor De Leon.
***
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa CP#09999861197 o mag-email sa [email protected]
More Stories
Phase 1C multipurpose building, bunuksan na
Kelot na may bitbit na baril habang gumagala sa Navotas, timbog
3 wanted persons, arestado sa Malabon