BINIGYANG-PANSIN ni Senator Joel Villanueva ang mahalagang tungkulin ng mga future educator sa pagbuo ng masaganang bansa, na binigyang-diin ang pangangailangan ng mga natatanging guro sa panahon ngayon.
Isinagawa ni Villanueva ang pahayag sa 116th Commencement Exercise sa Philippine Normal University nitong Agosto 23, 2024, kung saan 800 estudyante ang tumanggap ng undergraduate at graduate degree sa edukasyon.
“If we want this country to become truly great, we must focus on nurturing outstanding teachers, not just good ones,” ani Villanueva.
Nagpahayag din ng pag-alala si Villanueva kaugnay sa kalagayan ng mga edukasyon sa Pilipinas, na sa tingin niya ay napakahalaga para sa long-term success ng bansa.
Lumabas sa EDCOM 2 Year 1 Report at 2022 PISA Report ang malaking pagkukulang sa edukasyon, kanilang ang poor performances sa reading, math at science, kasama ang highest rates ng kalungkutan at pambu-bully sa mga estudyanteng Filipino.
Nakasaad din sa reports ang nakakabagabag na kalakaran kung saan ang Pilipinas ang isa sa mga mahina sa “critical thinking skills” sa mundo.
Bilang Commissioner ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM2), isinusulong ni Villanueva ang mahalagang reporma upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at pagsasanay ng mga guro.
“Research shows that the number one school-based factor in improving student success is a great teacher,” diin ni Villanueva.
“We can nurture great teachers by raising the quality of programs that train teachers to teach,” dagdag pa niya.
Si Villanueva, kasama ang kanyang kapwa EDCOM2 Commissioner Senator Sherwin Gatchalian, ay isinusulong ang Senate Bill No. 2733, na naglalayong payagan ang mga dual citizens na italaga bilang faculty, researchers at administrators sa State University and Colleges (SUCs).
Layunin ng inisyatibong ito na makamit ang global expertise at mapadali ang knowledge at technology transfer upang mapahusay ang overall quality ng edukasyon.
Naniniwala si Villanueva na ang pamumuhunan sa mahuhusay na mga guro ay magbibigay-daan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng Pilipinas.
“There is greatness in every Filipino. There is greatness in teaching. There are 1.2 million Filipino teachers, and I would say, it is a force to reckon with. A force to make our country great again,” saad ni Villanueva. (ARSENIO TAN)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY