November 23, 2024

Dela Cruz, Nialla pasiklab sa Speedo Novice /Sprint tourney

Sina Jean Dela Cruz at Aldrin Alinea

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang tatlong gintong medalya sa kani-kanilang age class habang kumana si Aldrin Alinea nang dalawang panalo para angkinina ng Most Outstanding Swimmer (MOA) awards sa 2024 Speedo Novice at Sprint Meet nitong Sabado sa Teofilo Yldefonso Swimming pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila.

Ang 15-anyos na si Dela Cruz, isang protégé ng Atlantean Dolphin Swim Team, ay nakolekta ng panalo sa girls 15-yrs 25-meter backstroke (18.58), 25m butterfly (18.06) at 100m freestyle (1:20.16).

Tinalo ni Dela Cruz si Trinity Uy ng Betta Caloocan (23.60) at Nhicka Regalado ng Atlantean (24.26) sa backstroke; pagkatapos ay dinaig sina Regalado (21.82) at Uy (24.92) sa butterfly bago natapos ang kanyang dominasyon sa panalo sa freestyle laban kay Regalado (1:37.14) at Uy (1:39.85).

Sa kanyang bahagi, nanalo si Nialla, 14, ng Torpedo Swim sa girls’ 14-yrs class ng parehong event na nagtala ng 22.66, 20.44, at 1:29.09, ayon sa pagkakasunod, sa meet na inorganisa ng Speedo at sanctioned ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa suporta ng Philippine Sports Commission (PSC).

Naungusan ni Nialla sina Shyvonne Mangonon ng Torpeedo (24.47) at Gabrielle Kristen Suarez ng Atlantean (27.92) sa back pagkatapos ay namayani kina Amor Maniquis ng Coach Roy Swim (24.31) at Mangonon (26.85) sa fly at talunin sina Maniquis (1:50.88) at Mangonon (2:05.05) sa freestyle.

Ang 10-taong-gulang na si Alinea ng RSS Dolphins ay nangibabaw sa boys 10-yrs class 100m freestyle (1:40.14), at 25m butterfly (26.68).

“Natutuwa kami sa dami ng mga kalahok na nagmula sa iba’t ibang swimming club sa National Capital Region (NCR). Nagpapakita ito ng tunay na pagpapahalaga ng ating mga miyembro na palakasin ang kanilang mga programa mula sa pagsasagawa ng mga summer camps at clinics, pagkatapos sa mga kompetisyon hanggang sa elite level,” ani PAI Secretary-General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain.

Hinmon din ng two-time Olympian at Philippine Sports Hall-of-Famer ang mga club coach na doblehin ang kanilang pagsisikap sa paghahanda ng kanilang mga manlalangoy para sa darating na dalawang National tryout na nakatakda sa Agosto 15-18 (long course) at Agosto 20-23 (short course) sa parehong venue ng RSMC.

Ang mga long course trials ay gagamitin para sa pagpili ng mga miyembro para sa Philippine Team na nakatakdang lumahok sa 46th Southeast Asian Age Group Swimming Championships sa Disyembre, ang 55th Singapore National Age Group at ang 6th Malaysian Open Swimming na parehong naka-iskedyul sa susunod na taon, habang ang short course trials ang magiging batayan para sa komposisyon ng Nationals sa World Aquatics short course series.

Ang iba pang nagwagi ay sina Miguel Sison sa boys 100m freestyle (1;25.96), Paul Andrei Montes 15-yrs 100m free (1:16.50), Mikhail Vallestor 16-yrs (1:23.64), Pauline Zalameda sa girls 17-over 100m free (1:27.07), Candice Loraine Dia girls 110yrs 25m butterfly (21.44), Adelle Franchesca Tapucol 12-yrs (18.69), Jensen Flores 13-yrs (21.07), MJ Reyes 12-yrs 100m free (1:126m free) at Zoe Valera 13-rs 100m free (1:27.93). (DANNY SIMON)