November 23, 2024

Nasa Metro Manila na! 3 miyembro ng Abu Sayyaf nadakip ng NBI

Kuha mula sa NBI

NADAKIP ang tatlong Abu Sayyaf Group ng National Bureau of InvestigationĀ  Counter -Terrorism Division (NBI-CTD) sa isinagawang serye ng operasyon katulong ang PNP Special Action Force-Rapid Deployment Battalion at counterpart mula sa Armed Forces of the Philippines.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor  ang mga nadakip na sina Ben Saudi  o Erie,  na naaresto sa Sultan Kudarat Street, Maharlika, Taguig City; Javier Sabtula o Jaber na isang ASGs guard  sa Sampaloc, Maynila; at Osein  Abduraya na kapatid ni Jaber  at  sangkot  sa kidnapping case.

Nakatanggap ng report ang  NBI-CTD hinggil sa presensiya ng tatlo sa Metro Manila kaya agad na inilatag ang surveillance operations at nang magpositibo ay ikinasa ang pagdakip sa tatlong terorista.

Sa record ng NBI, sangkot ang tatlo sa sangkot sa  pagdukot  ng anim na miyembro ng   Christian religious sector sa  Patikul, Sulu noong  August 20, 2002.

Mayroon din silang kinakaharap na  6 na bilang ng kasong kidnapping and serious illegal detention with ransom sa Taguig kung City Regional Trial Court Branch 271.