October 18, 2024

KIM CHIU, DEDMA SA KASALANG XIAN LIM AT IRISH LEE

HINDI na importante kay Kim Chiu, ang nakaraan niyang relasyon. Kung hindi man siya nagtagumpay, hindi naman niya isinasara ang kanyang puso sa tawag ng pag-ibig.

“Pag-nagmahal ka, kasama sa pagmamahal ang masaktan ka. Normal lang iyon, pero lumaban ka.

“Kung sa palagay mong talo ka, bitawan mo at magparaya ka. At least nalayo ka sa maling lalake, na minahal mo.

“Iyong tungkol sa kasal nina Xian Lim at Irish Lee, anong paki ko doon? Basta ako focus ako sa work ko, at tiyak namang mag-enjoy ko ito being single.

“Ngayon pang tinibay na ako ng mga pag-subok sa pag-ibig ngayo pa ba ako susuko, kung hindi para sa akin fine. Find another guy, na better at true magmahal,” mataray na pahayag ni Miss Bubuwit na aking source.