
HINDI muna maglalaro si Daniel Padilla ng basketball para sa Star Magic All Game 2024, sapagkat magiging busy ang aktor sa kanyang mga natanguang projects, movie man ito o teleserye sa telebisyon.
Ayon kasi kay Miss Bubuwit na aking source, hindi naman daw siya tinanggal, kundi kusa siyang nagpaalam at babalik naman sa susunod na taon.
Magiging busy na kasi si Daniel sa paggawa ng pelikula, teleserye at sa kanyang album.
Ang gusto kasi niya kapag naglalaro siya ay wala siyang mga projects na matitigil. Kaya nagpasya siyang hindi muna maglaro ngayong taong 2024.
Kung sabagay, kapag tumuloy siya sa laro tiyak na siya na naman ang makikita ng mga bashers. Kaya mabuting hindi muna maglaro ngayong taon. Tumpak!
More Stories
DOH: Walang Lockdown Dahil sa Mpox, Mag-ingat sa Fake News!
Pagpapalawak ng P20 rice program, pinuri ng Navotas solon
ILIGAL NA ‘PAKYAWAN’ PAY SYSTEM? TULFO AT DOLE SUMALAKAY SA PAGAWAAN NG CHICHIRYA