
TANGGAP na ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, na hindi na mainit ang lagay ng kanyang singing career.
Halos dalawang dekada rin naman siyang namayagpag bilang isang singer-recording artist, tanggap niyang may mga bago ng nagsulputan na siyang iniidolo ngayon ng mga GenZ generation.
“May mga naka-line ups naman ho siyang show, aktibo pa rin naman ho siya sa mainstream at mataas pa rin naman ho ang kanyang talent fee.
“Mabuti na lamang at napasok na rin naman niya ang maging product endorser, iyon ho bali ang naging fallback niya.
“Halos lahat nga ng products na si Ms. Kris Aquino ang dating endorser ay nalipat na kay Regine Velasquez. Kaya may ibang pinagkakaabalahan siya ngayon,” malumanay na salaysay ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
DOTr, pinag-aaralan ang panukalang 30 kph speed limit para iwas-aksidente
MALAKI ANG KAPANGYARIHAN, PERO BAKIT DI GINAMIT NI MARCOS PARA SA WAGE HIKE?
ULAN AT THUNDERSTORMS, ASAHAN SA VISAYAS, BICOL, AT QUEZON — PAGASA