
BUKAS ay idaraos ang tahimik na selebrasyon ng Agila ng Bayan para sa 13th anniversary ng pahayagan kasabay ng kaarawan ng ating bossing na si Don Ramon Ignacio.
Parang kelan lang… parang baby na gumagapang ang ANB… ngayon ay 13 years na pala.
Congratulations Madam Mina Paderna at Boss Ramon Ignacio.
Alam naman nating lahat na kung hindi dahil sa pagsisikap ng dalawa nating bossing ay hindi aabutin nang ganyan katagal ang Agila ng Bayan.
Kapalit ng inyong pagsisikap ay biniyayaan rin kayo ng mga katuparan ng inyong mga pangarap.
Siyempre, pana-panahon rin na nagkakaroon ng mga pagsubok pero dahil sa inyong determinasyon ay inyong napagtatagumpayan ang mga ‘yan.
Kaya nga 13 years na ngayon ang Agila ng Bayan ‘di ba?
Again, congratulations Madam Mina at Boss Ramon.
Happy 13th anniversary and looking forward for more years to come.
More Stories
‘BAWAT BATA MAKABABASA’ PROGRAM, ISANG TAGUMPAY
Tiauson sa Bulan, Sorsogon kampeon sa Open Rapid chess tournament
Elasto Painters at FiberXers, determinado sa panalo