NASA ikalawang araw na ng pagsasagawa ng hunger strike o hunger protest sina Jeffrey “Ka Eric” Celis at Dr. Lorraine Badoy.
Sa kaniyang FB post, inihayag nito na ang kanilang hakbang ay bilang protesta sa iligal na pagkaka-detain sa Kamara sa utos ng House Committee on Legal Franchises.
Sinabi din ni Ka Eric na inilipat sila ngayong araw sa south facility building malapit sa South Gate ng Batasan complex.
Mananatili naman ang dalawa sa detention facility sa Kamara hangga’t hindi na-aadopt ang committee report ng legislative franchises panel kaugnay sa imbestigasyon ng Kamara sa prangkisa ng SMNI.
More Stories
Gatchalian: Mga out-of-school children at youth ibalik sa mga paaralan
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS