September 18, 2024

Pari na hinostage ng ISIS sa Marawi siege, patay sa cardiac arrest

MAKALIPAS ang tatlong taon nang makaligtas matapos gawing hostage ng Islamic State (IS) terrorist sa nangyaring Marawi siege, pumanaw na si Catholic priest Teresito Soganub sa cardiac arrest nitong Miyerkules ng umaga.

“It is with great sadness that we make this announcement on behalf of the prelature of Marawi,” ayon sa post ni Marawi Bishop Edwin dela Peña.

“Our dearly beloved Fr. Teresito Soganub died of cardiac arrest this morning, July 22, 2020, in his home in Norala, South Cotabato,” dagdag pa niya.

Ayon sa doktor nasawi ang nasabing pari sa pagitan ng alas-5:00 at alas-6:00 kaninang umaga.