Inanunsiyo ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na masimulan na ang modernisasyon sa paliparan sa susunod na taon kasama na rito ang paggamit ng AI sa paliparan.
Nais aniya nila na makahabol sa ibang bansa pagdating sa ginagamit na teknolohiya.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Tansingco na isa sa mga target ng Bureau ayon kay Tansingco ay magkaroon ng advance passenger information system o API.
Sa ilalim ng sistema maaaring agad na mapigilan ang pagbíyahe ng isang undesirable passenger.
Ayon kay Tansingco balak din nilang dagdagan ang mga electronic gates sa arrival at departure area ng mga malalaking airport sa bansa gaya nang NAIA 1, 3, Cebu, Bohol, Clark, Davao at iba pa.Kasama na ito sa kanilang budget para sa susunod na taon.
Gusto ng BI na makabili na ng third generation e-gates at mapalitan ang ilang manual counters.
Bahagi pa ng modernization plan ng Bureau ay ang pagkakaroon nang biometrics capturing technology.
Possible rin aniya ang paggamit ng Artificial Intelligence sa kanilang operasyon gaya ng ginagawa sa Canada at Singapore.
Ngunit sakaling darating na roon ang BI, hindi aniya sila gagamit nang AI BI officers.
Ayon kay Tansingco, ang ibang bagay na hindi covered sa budget, maaaring hugutin sa mga service providers sa pamamagitan ng public private partnership para walang gastos sa bahagi ng gobyerno.
Pagtitiyak naman ng BI na hindi nila aalisin sa puwesto ang mga personnel na nakaassign sa mga manual counters.
Sila ay bibigyan lamang ng mga bagong trabaho o responsibilidad sa paliparan.
Kung moderno na ang mga gamit sa paliparan, ayon sa BI, maiiwasan na ang kurapsyon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA