May 4, 2024

Mga artista at politiko dumagsa… 57TH BIRTHDAY AT 50TH SHOWBIZ ANNIVERSARY CELEBRATION NI SEN. BONG REVILLA PINAG-ISA

MASAYA at excited si Sen. Bong Revilla Jr., dahil ang kanyang 57th Birthday at ang kanyang 50th Showbiz Anniversary ay pinag-isang pagdiriwang na lamang. Ang promotor ay si Ms. Lani Mercado at ang kapatid ni Bong. Sa nasabing double celebration, una ay ang kanyang 57th birthday. Nakapiling niya ang kanyang mga asawa at anak, kapatid, mga kamag-anak at ang kanyang mga loyal staff.

Si Sen. Bong naman ang personal na nag-imbita kina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Robin Padilla at Phillip Salvador at iba pang senador.

Siyempre espesyal ang event kaya nagkaroon ng live coverage ang Kapuso TV network ng gabi ng kaarawan ng Senador.

Doon sa mga guest na nagbigay ng gifts [cash] kay Sen. Bong, mapupunta ito sa RRJ Foundation, Inc. na nagbibigay ng scholarship program ng mga underprivileged students.

Naging bongga ang kaganapan ng 57th birthday at 50th showbiz anniversary ni Sen. Bong, at masayang-masaya si Sen. Bong dahil nakiisa lahat ang mga malalapit sa actor.