Kalaboso ang isang 40-anyos na vendor matapos manghablot ng cellphone ng isang empleyado nang makorner ng isang nagpapatrolyang pulis na humabol sa kanya sa Bangquero Street sa Binondo, Maynila.
Binitbit sa Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team(MPD – SMaRT) ang suspek na si Roberto Saniel, 40, taga-24 Basan St., Quiapo, Maynila.
Ayon kay SMaRT chief PMajor Edward Samonte, naglalakad umano ang biktimang si Renato Jamora, 56, taga-Sta. Cruz, Binondo, Maynila nang lapitan ng suspek at hablutin ang hawak na cellphone na Samsung 5 Galaxy.
Tumakbo ang suspek sa may Jones bridge at hinabol naman ng biktima hanggang makita ang nagpapatrulyang sina Pat Joel Guarin at PSSg Dindo Liquiran na sakay ng Mobile car at nagpasaklolo.
Hinabol ng mga pulis ang suspek hanggang sa makorner sa nabanggit na lugar at mabawi ang cellphone ng biktima.
Sinampahan ng kasong robbery sa Manila Prosecutors Office ang suspek. ARSENIO TAN
More Stories
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON