DUMALO sina Navotas City Mayor John Rey Tiangco, Malabon Mayor Jeannie Sandoval at Caloocan Mayor Along Malapitan sa isinagawang 2023 Labor Day Job Fair ng Department of Labor and Employment – National Capital Region CAMANAVA Field Office. Binati ni Tiangco ang lahat ng mga Navoteño na nag-apply, lalo na ‘yong mga HOTS o Hired On The Spot. “God bless po sa lahat ng iba pang jobseekers at nawa’y makuha ninyo ang inyong dream job”, aniya.

