Kinopo ng St. Benilde Lady Blazers ang NCAA Season 97 women’s volleyball tournament championship. Winalis ng Lady Blazers ang Arellano Lady Chiefs sa 0-2 series sa Game 2. Kinompleto rin ng team ang sweep sa iskor na 26-24, 25-12, 25-9.
Bumida si Gayle Pascual sa pangunguna sa panalo ng Blazers. Pumalo ito ng 14 points, 3 blocks at 1 service ace. Siya rin ang hinirang na Finals’ Most Valuable Player. Kung saan, gumawa siya ng 17 points sa Game 1.
“I trusted the girls, they’ve very hard working. I saw their abilities since I’ve been with them for a while,” ani St. Benilde head coach Jerry Yee.
Bumira naman si Mycah Go ng 8 points, 15 digs at 4 receptions. Habang si Michelle Gamit ay gumawa ng 7 points at 3 blocks. Tinagpas din ng Lady Blazers ang pagiging champion ng Lady Chiefs sa loob ng 3 straight seasons.
Sa kabila na nagtapos lang sila sa runner-up, proud pa rin si Arellano coach Obet Javier sa team.
“I saw how they all gave their best,” aniya. “I’m happy and proud of what the team achieved this season despite the short preparation.”
Nanguna naman si Pau de Guzman sa opensa ng Lady Chiefs. Naglista ito ng 10 points. Nagdagdag naman si Charmina Diño ng 6 kills, 10 receptions at 9 digs.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!