Pinuri at pinasalamatan ni Leyte Rep. Martin Romualdez si outgoing President Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang “outstanding at excellent service” sa bansa isang araw bago magtapos ang kanyang termino bilang chief executive bukas.
“You are loved by patriotic and peace-loving Filipinos. You created the blueprint in making our country safe, secure, and connected. For these reasons alone, you are one of the most accomplished leaders the Philippines has ever had,” sambit ni Romualdez sa kanyang mensahe kay Duterte.
Giit pa ni Romualdez si Duterte ay maituturing na most accomplished leaders na nagkaroon ang Pilipinas.
Isa sa mga legasiya na hindi makakalimutan sa Duterte administration ay ang “Build, Build, Build” program kung saan mas maraming mga infrastructure development ang naisakatuparan sa bansa at ang walang tigil na kampanya laban sa iligal na droga at criminality.
Tiniyak din ni Romualdez na sa panig ng House of Representatives, sila ayb magiging unwavering partners sa mga bagong officials sa executive branch.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY