Pinadapa ng Arellano University ang Mapua sa opening ng NCAA Season 97 women’s volleyball. Idinaos ang opening sa Paco Arena kahapon. Wagi sa three sets ang Arellano, 25-14, 25-12, 25-21.
‘Siyempre maganda at nakabalik na tayo,’ saad ni coach Obet Javier. Nasa ika-10 taon na siyang coach sa Lady Chiefs at nagwagi ng 4 NCAA titles.
“Kahit short lang ang preparation, kahit paano yung first game, nakuha namin,” aniya.
Nanguna si Niclle Sasuman sa opensa ng Lady Chiefs. Nagtala ito ng 13 points at 3 service ace.
“Actually isa siya sa maasahan namin ngayon. Kahit sa practice, maganda ang performance niya. Hindi ako nagulat. Alam ko handa yung bata,” sabi ni Javier patungkol kay Sasuman.
Si Carla Donato, bagong team captain ay nagtala naman ng 3 blocks at 8 points. Habang si Princess Bello naman ay may 7 points, 2 service at 9 digs.
Hindi naman nakapaglaro ang main hitters na si Regine Arocha at Necole Ebuen. Gayundin ang setter na si Sarah Verutiao.
“Panibagong challenge naman sa akin. Alam naman natin na napakaraming magagaling na team. Maganda itong season na ito, talagang challenging,” sabi ni Javier.
Bumira naman Alyanna Ong ng 3 blocks at 7 points sa Lady Cardinals.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!