May 3, 2024

DAWN MACANDILI NG F2 LOGISTICS, ENGAGE NA SA LONG-TIME BF

Engaged na si Dawn Macandili, libero ng F2 Logistics Cargo Mover. Nakatali na siya sa kanyang long-time beau Diego Catindig. Katunayan, pinost niya ito sa Instragram.

Nangyari ito noong Biyernes sa Hot Air Balloon Fest event sa Clark, Pampanga.

About last night, #ISaidYaaas’, ani ng 26-anyos na member national team standout.

May ipinakita itong pic sa gallery na suot ang engagement ring. Saksi sa okasyong iyon ang kanyang mga best pals. Kabilang na rito si Ded Cheng ng Choco Mucho. Gayundin si Carmel Saga ng F2 at iba pa.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kaibigang volleybelles. Kasama na rito sina Alyysa Valdez, Jen Nierva, Kianna Dy, Michelle Cobb at Maddie Madayag.