May 2, 2024

TEEN WEIGHTLIFTER JEAN RAMOS, BUMUHAT NG 3 MEDALS SA YOUTH WORLD CHAMPIONSHIPS

Photo Courtesy/ Inquirer

Kuminang si Rose Jean Ramos sa 2022 International Weightlifting Federation Youth World Championships. Bumuhat ang 17-anyos na Zamboanga native ng 3 medals sa nasabing torneo.

Nakakopo si Ramos ng 2 gold at 1 silver sa women’s 45kg division. Kaya naman, naduplika rin nito ang nakamit na medalya sa mga nakaraang torneo. Siya rin ang nasa tuktok ng event na idinaos sa Pero noong 2020. Gayundin sa Jeddah, Saudi Arabia noong 2021.

Nabuhat ng entudyante ni coach Allen Diaz ang 70kgs sa third try nito para sa silver. Pero, nadale ang clean and jerk sa pagbuhat ng 85kg. Sa kabuuan, nakapagtala ito ng 155kg para lambatin ang 2 golds.