Tumatag ang NU Lady Bulldogs sa No. 1 seed sa UAAP season 84 women’s volleyball tourney. Nilapa nito ang UP Lady Maroons sa 3 set game, 25-15, 25-10, 25-15. Bumida sa panalo ng team si Bella Belen na bumira ng 8 service aces. Kung saan, 13 aces ang naitala ng NU sa buong laro na tumagal ng 1 oras at 26 minuto.
“I’m happy because I made up for my mistakes in service last game. In our training (prior to this game), we focused on service receive, which we lacked last game. We’re happy to apply it and lessen our errors in service,” ani Belen.
Nagtala rin ang former UAAP girl’s MVP ng 16 points at 8 attacks. Ang paglapa sa UP ay pang-12 sunod na panalo ng Lady Bulldogs. Dahil ditto, 2 panalo na lang ang kailangan upang makatuntong sila sa finals spot.
More Stories
P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)