
Kinamig ni Jocel Ninobla ang first ever gold medal ng Pinas sa women’s individual poomsae sa 31st SEA Games sa Vietnam. Nag-reyna si Ninobla sa paglista ng best score na 7.765. Kung saan, dinaig niya ang home town bet na si Tran Kim Uyen. Ito rin ang second straight gold niya matapos pagreynahan ang 2019 SEA Games. Idinaos ang kompetisyon sa Rizal Memorial Complex kung saan, naglista siya ng 8.433 points.
Nagtala lamang ang Vietnamese na si Uyen ng 7.649 points. Kaya siya ang nakakuha ng silver medal. Nakopo naman ni Ornawee Srisahakit ang bronze sa paglista ng 7.482 points.
More Stories
National Open C’ship sa Kalibo… RAVEN SIKARAN TANAY READY NA SA BAKBAKAN SA AKLAN!
PH WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos FIDE Standard Chess tilt
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort