September 19, 2024

Career naapektohan nga ba? ANGELIKA DELA CRUZ, ‘DI MATANGGAP PAGLISAN NG KANYANG DADDY ERNIE

MASAKIT para kay Angelika Dela Cruz, ang pagpanaw ng kanyang ama na si Daddy Ernie Dela Cruz. Halos hindi lang naman siya ang naapektuhan, pati rin ang buong pamilya niya.

“Masakit nang mawala sa amin ang pinakamamahal naming magulang na si Daddy Ernie Dela Cruz. Mahal na mahal namin siya, hindi namin siya makalilimutan lalo na ngayong dumadaan tayo sa matinding pagsubok,” malungkot na pahayag ni Angelika.

“Si Daddy Ernie, lagi siyang nasa tabi namin. Laging nakaagapay kapag dumadaan kami sa mga mabibigat na pagsubok. Lahat naman kami, ay palaging siyang may time sa amin,” dagdag pa niya.

“Lalo na sa akin, pag-busy ako sa showbiz career ko, siya ang tumatayong Kapitana sa aming lugar. Siya ang matiyagang nag-aasikaso sa aming mga kababayan. Pinalaki niya kaming may pagmamahal sa isa’t isa, sa kapwa tao namin. Kaya lahat kami, mahal na mahal namin si Daddy Ernie,” pagtatapos ng aktres.

Kung sabagay mahirap mawalan ng isang magulang, pero alam namin na kaya ng pamilya Dela Cruz ang mga pagsubok na dumarating sa kanilang buong pamilya.