May 16, 2024

TULONG NI VICE GANDA, HINIHINTAY NG KANYANG MGA KASAMAHAN

HALOS lahat ng comedy bars ay tuluyan na ngang nagsara.

Isa na rito ang Zirkoh at Klownz na pag-aari ni Allan K.

Nang pumasok ang Covid-19 sa Pilipinas, marami sa mga stand-up comedians ang mga naging jobless. Pero ang tanong nang nakakarami, bakit mukhang hindi nagpaparamdam si Vice Ganda sa kanila?

“Mukhang tahimik ang kampo ni Vice Ganda, ang puna nga nang nakararami na stand-up comedians ay nananahimik ang beauty nito. Kahit super sikat na si Vice, isa pa rin siya sa mga naapektuhan ng pandemya. Nagsara pa ang kanyang Kapamilya Network, kaya ang naging ending ay nawalan din siya ng trabaho,” ayon sa isang stand-up comedian na nakausap natin.

Alam natin na maagap si Vice, kapag may dumarating na kalamidad at gumagawa ito ng paraan para makatulong. Pero nagtataka lang ang mga kapatid niyang mga stand-up comedians na bakit na nanatiling tahimik ang kampo ni Vice Ganda sa ngayon? “Nauunawaan nila si Vice, bukod sa may pinagdadaanan ang lahat. Mukhang masyado siyang naapektuhan sa pagsasara ng kanilang TV Network, kaya siguro tahimik ang kampo niya. Pero ang hiling nang kanyang mga kasamahan ay sana raw matulungan sila kahit papaano,” malungkot na tsika ng nasabing stand-up comedian.