November 23, 2024

BE RICEPONSIBLY HEALTHY AND ORGANIKONG PAGSASAKA SA PANAHON NG PANDEMYA”

Magandang araw saa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan. Ngayong buwan ay idinaraos  ‘National Rice Awareness and Organic Agriculture Month’. Na may temang “ Be RICEponsibly Healthy and Organikong Pagsasaka sa Panahon ng Pandemya”.

Batay sa ilalim ng Proclamation No. 524, s. 2014, dapat na ipagdiriwang ng buong bansa ang nasabing ‘ National Rice Awareness Month. Ito ay sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA).

Kapag palay ang pinag-uusapan, naiisip agad natin ang mga kababayan nating mga magsasaka. Gayundin ang sektor ng agrikultura na lubhang mahalagang salik sa pamumuhay. Lalo na kung pagkain ang pag-uusapan. Katunayan, 75 porsiyento ng suplay ng pagkain ay mula sa agrikultura.

Malaki ang papel na ginagampanan ng ating mga farmers sa suplay ng pangunahing butil. Kasi, tayong mga Pilipino, pambansang pagkain natin ang kanin. Alam naman natin na mula ito sa bigas.

Itinuturo ng kamalayan ito ang halaga ng mga magsasaka. Na nagpapakasakit upang maibigay sa madla ang kinakailangan nating pagkain. Pangunahin na nga rito ang palay, kung saan nagmumula ang butil o bigas.

Gayundin ang mga pagkaing nakukuha mula sa hungangkahoy o prutas at gulay. Kasama na rito ang maingat sa pagkain. Na hangga’t maaari ay kumain ng organiko ang publiko. Sa gayun ay magting malusog, malakas at malayo sa sakit.

Dapat nating isaisip ang halaga ng mga magsasaka. Ating gantihan ng mabuti ang kanilang pagpapagal. Kung di dahil sa kanila, wala tayong kanin na kakainin sa hapag, katerno ang gulay at ulam na isda.

Nararapat lamang na bigyan pa ng ibayong pansin at tutukan ng gobyerno ang mga magsasaka. Pati na rin kung saan sektor ito kasama. Alalayan at ayudahan sa kanilang mga pangangailangan.

Dapat na makasabay ang ating bansa sa modernong mekanismo sa paglinang ng palay. Subalit, di nawawala ang katutubong estilo at ganda nito. Kapag marami ang bigas at mga bunga mula sa agrikultura, hindi tayo kakapusin ng pagkain.