Sinupla ng singer-actress na si Nadine Lustre ang mga patutsada sa kanya ng isang showbiz columnist. Ito ay sa katauhan ni Cristy Fermin.
Banat ni Nadine, ba’t daw ba masyadong affected ang kolumnista sa kanyang mga posts.Lalo na ang pagbibilad ng katawan nito. Nagreact si Nadine sa post ng radio host na:
“Bibili ka lang ng sarsa ng litson, kitang-kita buong katawan mo.” Ang pahaag ay tungkol sa pagbili ni Nadine sa isang palengke nang magpunta ito sa Siargao.
Kaya, inupat ng ilang netizens si Nadine na masyoba na. Na ikinasama ng loob ng aktres. Bilang ganti, tinawag naman ni Nadine si Fermin na ‘toxic’.
Bukod pa rito ang pagiging Marites o ‘tsismosa’.
“2021 na, toxic pa rin,” patama ni Nadine sa host.
More Stories
JOJO NONES KAY JINGGOY ESTRADA: SORRY
DINDO BALARES SA KUMAKALAT NA FAKE NEWS KAY BIMBY AQUINO: ‘STRAIGHT SI BIMB’
INA NI ANGELICA PANGANIBAN, PUMANAW NA