November 3, 2024

PVL, TARGET IKASA ANG 2 CONFERENCE SA 2022

Target ng Premier Volleyball League o PVL ang pagkasa ng isa pang bubble tourney sa 2022. Ayon sa pro-league, balak nilang gawin ang first conference sa February 2022.


Ayon kay PVL President Ricky Palou, hindi ilalatag ng liga ang second conference sa nalalabing buwan ng taon. Sa halip, puntirya ng PVL ang two conference season. Una, ang Open Conference sa Pebrero at ang import-flavored Reinforced Conference sa Oktubre 2022.


Kung mananatili pa rin ang spike ng COVID-19, isasagawa ang torneo via bubble.
“It’s still a bubble tournament. Although, we really like to go back to normal times but I don’t think the situation will allow it,” aniya sa virtual press conference sa PVL Moments Awards.