November 24, 2024

KIM CHIU, INUPAT DAHIL SA MALING PAGGAMIT NG KONTEKSTO NG BIBLE VERSE

Nakatikim ng upat si Kim Chiu dahil sa maling pasakalye ng paggamit sa isang Bible verse. Bumanat kasi ang aktres-singer ng maling sitas. Kaya, nakatikim siya ng bash sa kanyang Bible Blooper.


Nagtrend kasi ang sabi niya sa isang constestant sa portion ng It’s Showtime na: ” Tawag ng Tanghalan”.


Mayroong isang constestant na ang pangalan ay Psalm Manalo. Ika ni Kim, ang ganda raw ng name nito. Parang isang gospel daw sa Biblia.


Sinitas pa niya ang isang talaga sa Biblia na mali naman ang konteksto na: Psalm 3:16. ” For God so loved the world, He gave us His only Son.”


Kaya naman, itinama siya ng isang netizen. Dapat ay John 3:16 ang tamang gamit ng sitas. Nakatikim din ng bash si Kim sa social media.


“Ano na naman to, Kim Chiu? May revision ba sa bibliya?” say ng isang netizen sa Twitter.
“Thank you hehe sensya po,” paumanhin ni Kim sa kanyang bible verse blooper.
May nagtanggol naman sa kanya.

Na kapag nagkamali, itama. HIndi dapat i-judge o ikahiya. Hindi naman kasi henyo si Kim sa sitas ng Biblia.