November 3, 2024

PNVF, MAGPAPADALA NG 3 TEAMS PARA SA 2 ASIAN TOURNEYS SA THAILAND

Balak ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na magpadala ng teams para sa Asian club tournaments. May kabuuang 3 teams ang ipadadala sa 2 competition na idaraos sa Nakron Ratchasima sa Thailand sa October.


Ayon kay PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara, 2 Philippine teams ang isasalang sa Asian Women’s Club Volleyball Championship. Isa naman sa Asian Men’s Club Volleyball meet. INaprubahan naman ng PSC ang 22-member ng national women’s team.

Ang magiging coach nito ay si Odjie Mamon at ang consultant ay si Brazilian Jorge Edson Souza de Brito. Siya ang pipili ng mga playes na ikakamada sa 2 team.


“This will be an excellent exposure for our new young players who will be playing alongside the veterans,” ani Suzara.

Tutulak ang women’s team sa Thailand sa September 27 para sa torneo. Na ito ay lalaruin mula October 1 hanggang 7. Habang ang men’s team naman ay tutulak sa October 4 para sa torneo na idaraos sa gayunding petsa gaya ng nauna.