
Matapos ang panalo kay Cuban fighter Guillermo Rigondeaux, muling nagpatutsada si Filipino boxer John Riel Casimero kay Japanese Naoya Inoue. Puntirya ng tinaguriang “Quadro Alas” na malabanan na si Inoue ngayong taon.
Aniya, kahit siya pa ang magpunta sa bansang Japan, gagawin niya, harapin lang siya ng Japanese boxer.
“Lalabanan kita kahit sa Japan pa. ‘O kahit sa loob pa ng bahay n’yo. Kahit tatay mo pa ang referee,” pang-aasar ni Casimero.
Banata naman ni Inoue,: ‘Please, organize the match,” sagot nito sa kanyang Twitter account.
Marami ang nayabangan sa anas na pambubuska ni Casimero kay Inoue. Gayunman, naiintindihan ng ilang Pinoy boxing fans na bahagi ito ng trash talk ni Casimero— at bahagi ito ng boksing para maatake ang mentality ng kalaban.
More Stories
ACT Teachers sa DepEd: Bilisan ang hiring ng 16,000 bagong guro bago magbukas ang klase sa Hunyo 16
Cardinal Tagle itinalaga ni Pope Leo XIV bilang bagong Titular Bishop ng Albano sa Italya
Kung Tunay ang Paghilom, Ibalik si Duterte – Atty. Sap Panelo