September 29, 2024

“ADDITIONAL P3 MILLION KAPAG NAKASUNGKIT NG GOLD SA OLYMPICS’— REP. MIKEE ROMERO

Aabot sa P33 milyon ang matatanggap na incentive ng makakukuha ng gold medal sa Olympics. Ito ang sinabi ni House Deputy Speaker Mikee Romero.

Ankiya, magiging moral boost ito upang pagsikapan pa ng Tokyo bound atrhletes na makasungkit ng ginto.

May additional P3 million sila. Out of company expense ito. Itataya ko na to give additional motivation,” aniya sa PSA forum.

Ang makakakuha naman ng silver ay may dagdag na P2 milyon. At isang milyon naman sa makakasungkit ng bronze.

Si Romero ay isang business magnet bukod sa pagiging Kongresista. Siya ang owner ng Northport at ng PBA team na Batang Pier. Siya ay Rep. ng 1Pacman Partylist sa Kongreso.

Bukod sa additional P3 milyon, may fix incentive na P30 million ang makaka-gold medal. Na ito ay magmumula sa gobyerno, San Miguel Corporation at MVP.