September 19, 2024

SAN MIGUEL CORPORATION, MAGBIBIGAY NG P10 MILYON INCENTIVES SA MAKAKA-GOLD MEDAL SA OLYMPICS

Magbibigay ng incentives ang San Miguel Corporation (SMC) sa mga atletang na makakasungkit ng medals sa olympics. Ito ang garantiya ni SMC President Ramon S. Ang sa isang statement.

Ayon kay POC President Bambol Tolentino, magbibigay ng P10 milyon ang business magnet sa makaka-gold medal. Limang milyon naman sa silver at P2 milyon naman sa bronze. Halos katumabs rin ito ng halagang ipinagkakaloob ng MVP Sports Foundation.

Gayundin ng government’s incentives na batay sa Republic Act No. 10699. O National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Nagpapasalamat din ako kay Mr. Ramon Ang ng San Miguel. Na nag-commit na rin ng same amount just like MVP Group,” ani Rep. Bambol sa PSA Forum webcast.

Kung pagsasamahin, ang makaka-gold medal ay makakakuha ng kabuuang P30 million. Habang ang silver at bronze medalist ay P15 million at P6 million ayon sa pagkakasunod.