May bago na namang paandar itong si Kiray Celis na lantaran niyang pinost sa social media ang bikini photo niya.
Part ito kasi nang kampanya niya para sa ‘body positivity,’ marami naman ang umayon sa campaign na iyon ni Kiray.
Pinapatigil niya ang ‘body shaming’ panawagan niya iyan sa mga taong laitera na walang magawa kung hindi ang manlait.
Pinapatigil din niya ang pang-ookray, pambababoy at pambabastos. At dahil sa tapang na ibinahagi ni Kiray Celis, marami sa kanyang mga supporters at bashers ang sa kanya’y kumampi.
Dahil naniniwala si Kiray na ang comment na panlalait sa kapwa ay tiyak nilang hindi iyon magugustuhan ng kapwa nila. MATT GARCIA
More Stories
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS
Hiwalay na nga ba? PAOLO CONTIS, NO COMMENT ANG SAGOT SA PAG-UNFOLLOW SA KANYA NI YEN SANTOS