Alam ba ninyo ang modus ng ilang mga taga-barangay, lalo na ang Barangay 185 sa Caloocan City? May taga-kuha ang pamunuan ng barangay ng inyong ayuda mula sa Western Union.
Kahapon lamang ay natiklo ang isang Ericka Ignacio Francisco, tauhan at kawani ni Barangay 185 Kap. Ronnie Masaoay.
Napag-alaman na itong si Francisco ay hindi lamang tatlong beses na kumuha ng money remittance sa Western Union kung saan nakalagak ang ayuda para sa Brgy Malaria.
Ipiniprisinta nitong si Francisco ang pekeng ID. Nakapangalan sa tatanggap ng ayuda ang ID subalit mukha niya ang nakadikit na larawan. Nakapangalan sa isang Arlene Miranda Suarez ang ayuda na muntik nang hindi matanggap ng pobre.
Ayon sa mga taga-Western Union, namukhaan nila si Francisco dahil sa paulit -ulit na pagpila nito. Laking gulat na lamang daw nila ng ibang pangalan na naman ang nakalagay na ipinrisintang ID nito.
Inamin ni Francisco ang krimen at ibinunyag nito na halos lahat ng taga Barangay 185 ay gumagawa ng parehong katiwalian.
Ayon sa suspek , kapag sila ay umikot sa mga bahay-bahay para sa ayuda at wala ang taong nakapangalan sa DSWD master list ay agad nila itong ginagawan ng Residence Identification Card o RIC mula mismo sa barangay 185 sa ilalim ng pamumuno ni Kap Masaoay.
Sa kasalukuyan ay hindi pa din mahingan ng kanyang salaysay si Kap Masaoay. Habang hinahanda na ng pulisya ang patong-patong na kaso laban kay Francisco.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE