Hindi na lalabanan ni former WBA/ WBC welterweight champion Keith Thurman (29-1, 22KO’s) ang WBO champ na si Terrence Crawford.
Pero, tiniyak niyang muli siyang uupak sa boxing ring. Ang lumalabas na rumors tungkol sa kanyang makakalaban, lumabas ang pangalan ni Andre Berto.
Gayundin ang pangalan ni Devon Alexander.Pero, nilinaw niya na hindi totoo ang mga tsismis.
Hindi rin aniya siyang interesadong labanan ang dalang ormer 147lbs welterweight champs.
Mas gusto umano niyang labanan ang mga mas de-kalibreng boxers. Gaya na lamang ni IB/WBC champ Errol Spence.
Ayon kay Thurman, hindi dapat tawagin na “The Truth” si Spence. Iniiwasan kasi siya nitong labanan sa loob ng ilang taon noong siya umaakyat noon sa rankings.
Gusto rin niyang labanan si Crawford. Pero, wala siya sa radar nito na makaupakan. LUmabas din ang pangalan ni Sen. Manny Pacquiao na kanyang magiging next opponent.
“Not that I know it,” saad ni Thurman to ThaBoxingVoice
“There are a lot of rumors going around. Let’s just see what happens.”
Nabanggit din ang tunkol sa in-talks na sagupaan nina Pacquiao at Crawford. Aniya,
“Crawford is a little bit less of a welterweight and a little bit less a danger, but still a threat to Pacquiao. Contract, waiting on it. Coming soon,” dagdag pa nito.
Itinanggi rin nito na humihingi siya ng $10 million sa Top Rank upang labanan si Crawford.
“Never. What are you willing to pay me? I don’t have to tell you what to pay me. I want to get back in the ring to fight Errol Spence,” saad ni Thurman.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo