MABIGAT man ang kinakaharap ng bansa ngayon bunsod ng pandemya, hindi naman natitinag ang team ng Milo Sports para sumulong ang kanilang adbokasiya na ipagpatuloy ang grassroots program tulad ng mga online at digital sports event partikular sa karera ng sports at kalusugan ng mga bata ang isinasaalang-alang.
“Sa inspirasyong hatid ng mga veteran Olympians ay patuloy naming ipakikita sa mga digital sports program ang kanilang mga determinasyon at pagsisikap sa bagong programang ‘Mula noon hanggang ngayon, anuman ang panahon, tuloy ang pagiging champion” ipinapakita namin ang mga iconic performance ng mga gymnastics, taekwondo, volleyball champion maging ang kanilang mga kuwento ng pagsisikap at determinasyon upang makamit ang inaasam na medalya, para ma-inspire ang mga bata,” ayon kay Lester Castillo, ang assistant vice president ng Nestle Philippines sa TOPS Usapang Sports kahapon para itampok muli ang mga sports icon na hihikayat sa mga batang atleta at home base participants na ituloy ang pagpapalakas ng katawan habang nahaharap sa pandemya.
Malugod ding ibinalita ni Castillo na may 15 milyon nang mga kabataan mula sa online digital platform ng Milo ang aktibong kabahagi ng kanilang programa mula noong 2020 hanggang ngayong 2021.
” Glad to inform you that we reached the 15 million Filipinos participated online and we’re hoping more Pinoy to join us and be inspired by iconic veterans to continue their journey in their selected sports.”
Para kay Pauline Lopez, ang 2019 SEA Games gold medalist, ” This program, bringing back the motivation on me, despite of pandemic, inspires me to what I am doing and sharing it with young kids. I am thankful for all the support of Milo program, as we continue to train as well as on May going to Jordan, hoping to qualify for the Tokyo Olympics,”aniya bilang isa sa motivational model ng digital platform program.
Optimistiko naman si coach Stephen Fernandez ng taekwondo na magku-kuwalipika ang Pilipinas sa Olympics.
“Milo never stop promoting sports, malaking bagay ang partnership program nila sa PTA habang hindi pa tayo nakakabalik sa face-to-face platform, so we have to make adjustment sa digital program na ganito. Hihimukin pa rin ang mga kabataan na pumasok sa sports thru digital. I have a very good feeling na magku-qualify tayo sa Olympics, despite the trying times, I’m hoping for the best, with the help of Milo, POC at PSC we will make it to the Olympics.”
Iyan din ang marubdob na pangarap ng sambayanan…ABANGAN!
Lowcut: Miss na ng bayang karerista ang pinakamalaking karera sa kalsada -ang National MILO Marathon na walang puknat na lumalarga sa buong kapuluan taun-taon bago ang pandemya. Gayundin ang pamosong MILO Little Olympics ay hanap na rin ng mga kabataang student athletes. Babalik din yan sa kalaunan. Shoutout kay Mr. Robbie de Vera, sir! MABUHAY MILO!
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA