Pararangalan si Filipino boxing icon Manny Pacquiao sa first-ever virtual awards night ng Philippine Sports Association (PSA).
Igagawad sa Pambansang Kamao ang Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ Award.
Ang 42-anyos na Fighting Senator ang tanging fighter na nagwagi ng 8 different weight divisions sa boxing. Kaya naman sikat ito sa buong mundo.
Dahil sa hindi siya nakalaban nitong nakaraang taon, tiniyak ni Pacman na makatutulong siya sa mga nangangailangan.
“Notwithstanding the pandemic, Pacquiao went around the country to help affected communities with their everyday needs. In all, he already donated tens of thousands of chicken, rice, and canned goods, aside from financial assistance in his various sorties nationwide.”
“With this, we are honoring Manny Pacquiao as the 2020 Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ awardee,” ani ng Chooks.
Si Pacman ang ikaapat na gagawaran ng nasabing award. Ang iba pang nakatanggap nito ay sina Terrence Romeo, NBA prospet Kai Sotto at PH men’s 3X3 basketball team.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!