Isang espesyal na regaling obra ang natanggap ni billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes. Ang masterpiece ay mula kay John Marko David Dadulo.
Iniidolo ni Dadulo ang binasagang ‘The Magician’ sa larangan ng billiards. Anioya, gumugol ng tatlong buwan bago natapos ang charcoal portrait.
Ito ay may sukat sa 30 x 20 inches paper. Sa kanyang Facebook post, inapakitang masaya niyang inabot kay Reyes ang pinta.
Dream come true rin para sa 19-anyos na binata na ma-emeet ang kanyang idol.
“Bata pa lang po ako, idol ko na po si sir Efren,” ani Dadulo sa isang online exchange.
“Napahanga po ako sa parang magic na style niya sa laro at napaka-humble niyang tao. Siya po ‘yung taong walang haters.”
Sa Dadulo ay isang freshmen sa Don Honorio Ventura State University sa Mexico, Pampanga. Kung saan, kasama siya sa basketball varsity team ng eskwelahan.
More Stories
National Open C’ship sa Kalibo… RAVEN SIKARAN TANAY READY NA SA BAKBAKAN SA AKLAN!
PH WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos FIDE Standard Chess tilt
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort