Wagi ang Los Angeles Lakers sa Dallas Mavericks sa Christmas Game ng NBA. Nilunod ng Lakers ang Dallas, 138-115.
Nanguna sa panalo ng Lakers si Anthony Davis na nagtala ng 28 points, 8 boards at 5 assists.
Nag-ambag naman si LeBron James ng 22 points, 10 assists at 7 boards. Impresibo naman ang bagong saltang sina Montrezl Harrell at Dennis Schroder.
Nabuslo si Harrell ng 22 points at 7 boards. Samantalang 18 points at 6 assists ang ginawa ni Schroder.
Sa panig naman ng Dallas, Nagtala ng 27 points, 4 boards at 7 assists si Luka Doncic. Tumulong naman si Jason Richardson ng 17 points at 2 boards.
Ang laro ay idinaos sa Staples Center na walang audience.
More Stories
BOSTON BINIGO ANG HEAT TUNGO SA EAST SEMIFINALS
SAN MIGUEL BEERMEN PATULOY SA PAMAMAYAGPAG
PANGASINAN KAMPEON SA PNVF U18 CHAMPIONSHIPS (Sa tulong ng kanilang coach na Math Teacher)