November 22, 2024

CONG. ALAN IS THE MAN!


SAYANG kapag ang isang tunay at may kakayahang mamuno para sa bayan ay di naipagpatuloy ang kanyang  mabuting  adhikain dahil sa masamang kultura ng pulitika na  dumidiskaril ng mga tamang direksiyon para sa progreso.

Ang maituturing na mabibilang sa daliring tunay na statesman na si Cong. Alan  Cayetano ay  nagawa niyang maibalik ang respeto ng mamamayan sa  Kongreso  habang siya ang Speaker of the House kung saan ay lumutang lahat nang magagaling na Mambabatas  at ‘no holds barred’ na binusisi ang lahat nang may pagkukulang at pananamantala sa bayan sa aspeto ng  serbisyo publiko tulad ng sa kuryente, tubig, telecommunications, broadcast franchise, kalusugan, paggawa, kalikasan at iba pang pangunahing isyu na kapakanan ng mamamayan ang  prayoridad sa plenaryo. Partikular din ang kanilang kagitingan sa pakikiisa kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap at pagtugon laban sa krisis pandemya at kalamidad na tumama sa bansa nitong taong 2020 kung saan ay may positibong resulta sa  ilang  talastasan lamang.At ang laging panalo dito ay ang Sambayanan.

Sa unang pagkakataon ay naungusan ng  Mababang Kapulungan (Kongreso)ang Upper Chamber( Senado) sa aspeto ng performance in aid of legislation sa kanyang timon.

Kundi sana dumaan ang isang unos na dulot ng labis na pulitika na dulot ng masamang sistema kung saan ay pinalitan ang Kapitan ng barko sa gitna ng matiwasay na paglalayag ay di sana  masusuong sa mapanganib at maalong direksiyon ang institusyon na pinamumunuan ngayon ng isang  burgis na SotH na unti- unting lumalabas ang tunay na kulay na may kiling sa iilan sa halip na sa mamamayan.

Piyesta ang mga  salot ng lipunan na nais pabagsakin ang pamahalaan sa pagkaluklok  sa House of Lord ng alam nilang kakampi nila laban sa nasa poder ng kapangyarihan sa Malacañang.

Pero pansamantala lang ang tuwa dahil  di mangingibabaw ang maitim na balak kontra kabutihan. Huwag lang silang kukurap dahil sa iglap ay na kay APC ang last laugh.

One step backward , two steps forward kay  Cong. Cayetano. Iyan ang plano ng tunay nating LORD para sa kanya bilang pinuno ng bayan. Mula sa angkan ng  politikal icon, ang naging  Senador, Kalihim ng Ugnayang Panlabas at House Speker, Statesman Alan Peter Cayetano.. you’re the man.. ABANGAN!