Wala na ba maisip na maganda itong MMDA? At lahat ng maisip na gawin para lumuwag ang EDSA lalong nagkakalintik-lintik! Sa halip na lumuwag ang EDSA mula Cloverleaf lalong sumikip gawa ng concrete barrier na nilagay ng mga engot sa gitna ng EDSA.
Ang mga utak biya na nagpapatakbo ng MMDA ginitna ang concrete barrier, isinama ang mga private vehicle sa carousel, kasama pa pati mg motor! Ayun ang resulta pagdating sa U-turn sabong ang mga sasakyan. Ang resulta mas traffic pa sa carousel kesa sa ordinaryong daan sa EDSA! Mga tanga’t kalahati!
Matalino pa ang matsing sa kanila! Wala na kayong ginawa kundi laruin ang buong EDSA! Sa totoo lang po kayo ang sanhi ng traffic!
Saan ka naman nakakita ng palpak ba sistema! Wala na ba kayong maisip na maganda at makakatulong sa mga motorista?!
Dahil sa kapalpakan ninyo mula NLEX Camachile traffic na! Sangkaterba kayong mga engot! Puro kayo perwisyo sa bayan!
Lahat ng u-turn slot sa EDSA nilaparan para sa mga sasakyan! Mula sa barrier na nilagay ng MMDA pwedeng mabangga ang sasakyan paglalabas ka na dahil dudunggulin ka ng mga paikot na sasakyan sa u-turn pati na ang mga nasa linya na bumabaybay sa EDSA! Nakatulong ba?
Naku eto pa mga Cabalen, kung iikot ka papuntang NLEX sasalubungin ka naman ng mobile ng DPOS! Kung pababa ka ng Camachile papunta NLEX, nakaabang na ang mobile na nakasalubong at nakaharap na sa iyo. Dahil counterflow ang parada nila!
Lahat ng pagpapahirap sa taong bayan mararanasan mo sa Pilipinas!
Ewan ko ba naman sa lokal na pamahalaan ng Quezon City parang laging tulog!
Ang harapan lang ng Balintawak Market napakarumi! Nakatayo at nakaistambay ang MMDA at DPOS sa mismong harapan ng palengke pero kahit nangangamoy na dedma lang!
Sa Quezon City pa din mga Cabalen, bakit lalong pumapangit ang siyudad?
Pagawa nang pagawa ng sidewalk ang lokal na pamahalaan ng Quezon City pero tila lalong nawawalan ng ganda.
Isa pa ang West Ave mula Paramount ginawa ang sidewalk, gumawa ng mga plant bed at plant box, tinaniman ng kung ano anong dahon, hayun, ginawa lang tambakan ng mga kalat ng mga nakaparadang jeep at vendor!
Mayo Joy, alam ba ninyong pinerwisyo ninyo lang ang mga negosyante sa kahabaan ng West Ave? Tinanggalan nyo ng parking ang lugar na kadalasang tahanan ng mga negosyante.
Gaya na lamang ng mga restaurants sa West Ave na halos hindi na puntahan ng mga customer dahil sa walang maparadahan.
Mula paramount bako-bako ang daan. Ginawa pang paradahan ng mga jeep na pampasahero.
Unti-unti nating pinapatay ang negosyo sa West Ave! Mga jeep na pampasahero at vendors na lamang ang maaaring pumirmis sa lugar.
Ilan lamang po ito mga Cabalen sa lumalalang situwasyon sa West Ave. Sana aksyunan na!
***
Unti-unti na tayong pinapatayang ng karupsyon sa bansang ito. Hindi tayo ipagtatanggol ng ibinoto natin. Kanya-kanyang kayod hanggang tuluyan ng maagaw sa atin ang kinabukasan.
Paano na tayo mga Cabalen? Wala na ba talagang pag-asa sa Pilipinas? Maghihintay nalang ba tayo sa wala?
Walang konkretong hakbang?
