ISANG panalo na lang , GINEBRA na!
Iyan ay kung papayag ang Tropang GIGA.
Kamakalawa ay naglaro ang Barangay Ginebra San Miguel na mistulang wala nang bukas matapos nilang gapiin ang mapanganib na TNT upang saklitin ang 3-1 kartada at makaiwas sa tangkang panabla sana nito, 2-2 sa game4 ng PBA Philippine Cup best of 7 finals sa AUF Sports Center sa Angeles City, Pampanga.
Pilay ang Tropang Giga matapos malagasan ng dalawang. frontliners na sina Bobby Ray Parks dahil calf injuryj noong game 1. habang bumigay naman ang tuhod ni Jayson Castro sa simula ng 3rd quarter sa game4 upang mapataw ang bigat ng responsibilidad kina TNT starters Roger Pogoy,JP Erram at Troy Rosario..
Bagama’t undermanned ay nagpasikab pa rin si Pogoy sa kanyang outside sniping at inside operation nina Rosario at Erram upan dumikit sa last two minutes pero hanggang doon na lang sila matapos ang pasabog ni LA Tenorio sa kanyang teritoryo sa tres at ang insurance basket ni Scottie Thompson tampok din ang ‘in your face ns dakdak ng toreng si Japeth Aguilar upang itakas ang panalo ng brigada ni coach Tim Cone habang kinapos ng explosives ang TNT sa naturang laro upang mabaon sa 1-3 baraha sa seryeng All -Filipino.
Klasiko ang kanilang bakbakan kaya mismong ang tenyente de Barangay Ginebra na si Tenorio ay kumbinsidong kailangan na nilang tapusin ang serya , hablutin na ang kampeonato sa game 5 bukas kundi ay malilipst ang momentum sa TNT at lubhang delikado ang kartadang 2-3.
Kung magwawagi ang Ginebra ay muli silang magkakampeon sa All Filipino matapos ang mahabang tagtuyot 13 na ang nakaraan at iika-23 naman kay coach Tim Cone bilang team head mentor sa naturang liga ng PBA.
Ano kayang estratehiya ang ikakasa ng Tropang Giga upang buhay nito ay madugtungan
Celebration na ba ang Ginebra nation o hihirit pa ng hininga ang Tropang Giga?.. ABANGAN!!
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!