OAKLAND, CA - DECEMBER 25: LeBron James #23 of the Cleveland Cavaliers looks on as he walks off the court against the Golden State Warriors during their NBA basketball game at ORACLE Arena on December 25, 2015 in Oakland, California. NOTE TO USER: User expressly acknowledges and agrees that, by downloading and or using this photograph, User is consenting to the terms and conditions of the Getty Images License Agreement. (Photo by Thearon W. Henderson/Getty Images)
Bilang bahagi ng gagawing development at pagpapaigi sa koponan ng New York Knicks ng NBA,naghahanap ang team ng bagong head coach na gagabay sa Knicks sa susunod na season. Kaugnay dito, nasa 11 indibidwal ang napipisil ng Knicks na sasalang sa coaching job.
Kabilang sa requisite ay ang karanasan, background at koneksyon ayon kay Knicks president Leon Rose.
Nais ni Rose na maging perennial winner ang koponan dahil hindi maganda ang standing ng team ngayong 2019-2020 NBA season sa pagtitimon ni coach David Fizdale.
Bago masuspende ang season dahil sa coronavirus pandemic, kulilat sa Eastern Conference ang Knicks. Subalit, umakyat ito sa 12th seed (21-45) bago masuspende ang laro noong Marso.
Isa sa kandidato para sa New York coaching job ay si Golden State Warriors assistant coach Mike Brown. Katunayan, nakikipag-ugnayan ang Knicks kay Brown para sa coaching job.
Kabilang rin sa pinagpipilian bilang head coach ng New York ay sina Kenny Atkinson, Jason Kidd, Pat Delany, Tom Thibodeau, Chris Fleming, Will Hardy, Mike Miller, Jamahl Mosley, Ime Udoka at Mike Woodson na dati na ring naging coach ng team noong 2012 hanggang 2014 season.
