May 4, 2024

Campbell, balak sundan ang yapak ng kanyang amang si Ricky Hatton

Bagama’t huminto na sa pagboboksing si British boxer Ricky Hatton, may inihahanda na siyang tao na susunod sa kanyang yapak. Ito’y sa katauhan ng kanyang anak na si Campbell Hatton, 19-anyos. Katunayan, sumasailalim sa pagsasanay ng nakatatandang Hatton si Campbell sa hardin ng kanilang mansiyon sa Manchester.

Katunayan, may ipinost na ilang serye ng work-out at pagsuntok sa mitts sa kanyang Instagram page ang dating two-time weight champion; na nakita ng kanyang 230,000 followers.

Nice workout in the sun today with my lad @campbellhatton,” saad ng tinaguriang ‘The Hitman’.

Keeping his stamina nicely topped up and technique solid.Put the gloves on myself and fired shots at him today spending a lot of time on that defense.”

Kabilang sa puspusang  session na ginawa niya niya sa kanyang anak ay ang sparring, skipping, shadow boxing, sprints at burpees.

Si Campbell naman,  na naging two-time North West champion, ay nagpost sa kanyang account ng clips ng kanyang training.

“Good session with @rickyhitmanhatton.Hard graft in this heat but got it done,” aniya.

Bukod dito, ipinakita rin ni Campbell ang kanyang ginawang pagsuntok sa mitsa, kung saan kinuhan ito ng video ng kanyang ama.

Si Hatton sa edad na 41-anyos ay isa nang lolo noong 2018 nang ipanganak si Lyla Nevaeh, anak ni Campbell. Nang mag-lockdown sa Manchester dahil sa coronavirus pandemic, tumutok sa workout si Hatton upang mapababa ang timbang.

“I want to knock someone out.I’ve lost a bit of weight, I’m fitter, and I’ve been able to see my kids,” aniya.