November 24, 2024

Gilas Pilipinas, target walisin ang Thailand sa Window 2 ng FIBA Asia Cup

Target ng all-amateur Gilas Pilipinas na ma-sweep ang Thailand sa Window 2 ng FIBA Asia Cup qualifiers bubble sa Manama, Bahrain.

Muling maghaharap ang 2 teams bukas sa ganap na alas 9:00 ng gabi. Sa unang laro, minasaker ng Gilas ang Thais, 93-61.

Bago mapataob ang karibal, naging dikit ang laban. Katunayan, 2 lang ang lamang ng Gilas sa first quarter, 21-19.

Ngunit, rumatsada ng 32-8 run ang nationals para sa 53-27 score sa second quarter.

Napaigi ng Gilas ang record, 2-0 sa Group A. Nakatabla nito ang South Korea na nagpasyang hindi maglaro dahil sa COVID-19.

Ang Indonesia naman ay may 1-2 record at winless pa rin ang Thailand, 0-3.

Kaugnay dito, pinag-iisipan naman ni coach Jong Uichico kung papalitan niya ang 12-man line-up. Na kung saan ay pinapayagan ng FIBA sa nasabing qualifying tournament.

 “We will decide on that after our team practice,”ani Uichico. Nagsumite ng roster ang coach pagkatapos ng manager’s meeting kahapon.