‘Go signal’ na lang ang hinihintay mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para maisagawa ng Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSFP) ang ‘training bubble’ nito .
Gayundin ang pagpayag ng PSC at POC upang masimulan ang ‘bubble training camp’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Ito’y bilang bilang paghahanda sa nalalapit na Olympic Qualifying Tournament.
Ayon kay KSFP president Richard Lim, na umaasa silang masisimulan na ang planong isolation training para sa mga Pinoy karatekas.
Sa gayun ay matantiya na nila ang tamang timing, spacing at diskarte sa pakikipag-sparring.
Na tiyak na malaking tulong para maihanda ang anim na national team member sa World Olympic qualifying sa Hunyo 11-13, 2021 sa Paris, France.
Ang anim na karateka na ito ay binubuo nina 2019 Southeast Asian Games gold medalists Junaa Tsukii (women’s 50kgs kumite) at Jamie Lim (women’s +61kgs), at biennial meet bronze medalists Joaane Orbon (women’s -61kgs), Sharief Afif (men’s +75kgs), Ivan Agustin (men’s -75kgs) at Alwyn Batican (men’s -67kgs).
Gayunman, hindi kumbinsido si Lim sa gagawing training sa loob ng bubble camp. Sa halip, kinakailangan nila ng mga bigating makakalaban o sparring partners. Upang mas lalo pang mahasa ang kanilang mga kakayanan at husay sa pakikipaglaban sa bansang Turkey.
“But since training partners are a little bit scarce in the Philippines, we need to have training partners abroad, who are world class karatekas. Yung training system na ginagawa nila maa-adopt natin and at the same time nasusukat na natin yung level natin kung saan tayo,” paliwanag ni Lim.
More Stories
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison
PHILIPPINE ENCOUNTER C’SHIP ‘PASAY MMA VS PHIL. MMA SA NOV.9, KASADO NA!