November 23, 2024

Naging matatag nang iwan ng aktor… BEA ALONZO, KAYANG-KAYANG MAKA-SURVIVE KAHIT WALANG GERALD ANDERSON SA BUHAY N’YA

NASAKTAN si Bea Alonzo, nang hindi sila magkatuluyan ni Gerald Anderson. Ang masayang pag-iibigan nila ay nauwi lamang sa hiwalayan, pero kung ininda man iyon ni Bea ay panandalian lamang.

Ngayong bukas na naman ang kanyang puso para tumanggap ng bagong mamahalin.

Sa ngayon ay masaya si Bea Alonzo, lumalabas siya for dating. Nag-e-entertain na siya ngayon, dahil ayaw na niyang malungkot ang kanyang buhay. Gusto na niyang sumaya, at sign iyon na naka-move on na siya.

Para sa kanya, tumatag siya at tumapang dahil sa kanyang mga naranasang sakit. Ngayon ay kaya na niyang harapin ang mundo ng may tapang, at kayang-kaya na niyang mag-survive.

Ibang Bea, na ngayon ang ating makikita. Matatag at palaban na, pero kahit kailan daw ay hindi nagsara ang kanyang puso sa tawag ng pag-ibig.

Iyong tungkol kay Gerald Anderson, kinalimutan na niya iyon. Kung baga isang mapait na alaala na lamang ang lahat. At kung muli raw siyang iibig, ang gusto niya ay iyong mahal talaga siya ng lalakeng kanyang mamahalin.